Sen. Benigno "Noynoy" Aquino III (Courtesy of noynoyaquino.ph)
Sen. Benigno "Noynoy" Aquino III (Courtesy of noynoyaquino.ph)

Senators Noynoy Aquino and Mar Roxas today announced their presidential and vice presidential team-up under the  Liberal Party at a press conference held at the Club Filipino in San Juan.

Here are Aquino’s remarks that formally announced Roxas as his running-mate:

Magandang umaga sa inyong lahat, lalo na kay Joker Arroyo. Sabi po kasi niya dati, ang partido po natin ay kakasya sa isang Volkswagen Beetle. Makiusap po ako sa kanya, kailangan po namin ng transportation. Pakihanda na ang  lahat ng Beetle sa Pilipinas.

Tita Judy, good morning.

Bigyan ko rin ko ng konting puri ko ang kapatid kong si Viel, nandito po sa likuran ko. Tahimik po ang karamihan kong kapatid, maliban dun sa bunso. Ito na po ang pinakatahimik, pinakamahiyaan pero dahil kailangan ko po ng suporta, nandiyan po sa likuran ko. Talaga namang maraming salamat sa iyo Viel.

Talaga po kinagagalak ng puso ko na makikita ang napakarami nating kakampi. Mamili na po tayo ng lahat ng sulok ng Pilipinas, nandyan na yata. Nandito po si Governor Deloso, kasamahan ko sa Central Luzon. Nandyan po yung mabuting Ipe, taga-Dumaguete. At di ko na po kayo babanggitin lahat dahil mayroon hong binigay sa aking dalawang minuto at kalahati para magsalita. Baka sabihin po ni Butch, finished or not finished, pass your paper.

Halos tatlong linggo na po ang lumipas na kung saan si Sen. Mar Roxas po ay nagsakripisyo ng napakalaki at ulitin ko lang po ang dahilan kung bakit siya nagsakripisyo. Sabi po niya, ang interes ng nakakarami ay dapat parating nangingibabaw sa interes ng iisa. Ang sakripisyo po niya ang nagbigay-daan sa paglunsad at pagpapatupad ng isang pambansang kilusan ng ating mga kababayang talaga namang uhaw sa panunumbalik ng disente, malinis at maayos na pamamahala sa atin pong gobyerno.

Kami po ni Mar ay matagal nang magkaibigan, Napakaswerte po namin at nagkaroon kami ng mga ninuno na pareho ho ang pananaw sa mundo, pareho ang pinaglalaban, pareho ang ninanais para sa ating lahat. Kaya po naman di kataka-taka na ginawa ni Mar na talikuran ang kanyang sariling ambisyon para sa ikabubuti po ng nakararami dahil yan po ang amin nang kinagisnan.

Pag tinitingnan po ni Tita Judy naman si Mar, palagay ko ho, sasabihin nya parati pag nasa salamin at tinitingnan niya ang sarili niya. Di ho siya dapat malungkot kahit kaunti dahil nagpalaki siya ng uliran at huwaran na anak.

Sa amin pong partido, sa amin pong mga kaalyado, si Tita Judy po ay parang nanay na rin po namin. Kaya lang ho, di ko na siya ipapakilala sa lahat ng mas masinsinan dahil talagang dadami po yata ang aampunin niya.

Sinasabi ko po, si Mar Roxas ay nakaparami nang katangian, napakarami nang pagsisilbi sa atin pong bansa na di kahiya-hiyang imungkahi para pangalawang pinakamataas na posisyon po sa ating gobyerno.

Hayaan niyong purihin ko siya ng konti.

Unang una po, batid po ninyo na nilabanan niya ang mga dambuhalang korporasyon para maiwasto ang sitwasyon natin sa presyo ng gamot, di po ba? Napakahabang labanan po yan. Nag-umpisa po sa pagturo kung ano ang dapat na sitwasyon. Ipinakita ang kakaibahan ng presyo sa mga bansang karatig natin tulad ng India kesa naman po dito sa Pilipinas, na kung saan talaga naman hong ang sitwasyon yung maysakit na, inaapi pa. Ipinaglaban po niya, talagang pinanindigan niya, at naisulong nga po yung ating Cheaper Medicines na ngayo’y batas na.

Ipinagtanggol po nya ang mga naniwala sa mga pre-need companies na sagot namin ang edukasyon ng inyong mga anak.

Napakaraming salapi, kapangyarihan, impluwensya ang nilabanan pero hindi nagdalawang isip dahil para sa tama ang pinaglalaban niya.

Baka naman sabihin ng iba, puro kritisismo na lang kami sa Liberal. Huwag nating kalimutan din na sa pagtatayo ng IT at call centers, naging malaking bahagi po ng kaibigan nating Mar Roxas para maiayos ang mga patakaran at para lumaganap ang ating ekonomiya. Meron ho kasing sa ibang panig, sabi nila, hetong IT at call centers, susi ng pagbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan, awa ng Diyos, tapos ng siyam na taon, naalala, kailangang turuan ng English. Every 10 years po yata natin aasahan na may mangyayari dun. Maawa naman sila.

At ito po po, palagay ko, baka ngayon niyo lang nalaman dahil ako po beneficiaryo nito kaya ko alam ito. Halos 30 libong computer ang naipamahagi sa paghihirap ni Mar Roxas sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas dahil yan nga po ang isang magiging matinding pagkakaroon ng ating pong mga kababayan. Hindi po nangangako na matapos na pong mapamudmod ang 30 libong yan. Sa amin po sa Tarlac yata, hangang 10, 20 po sa isang distrito lang po iyon. Medyo sipsip pa rin ho tayo hanggang ngayon.

Kay Mar na rin po nanggaling mismo ang isag aral na talaga naming paninindigan. Ang pambansang kilusan na ito ay di lamang patungkol sa akin o sa kanya. Higit na mahalaga, ito ay patungkol sa kapakanan ng atin pong bansa, at ng ating mga 90 milyong mga kababayang matagal nang nawalan ng pag-asa na manumbalik po sa ating bansa ang isang maayos, malinis at disenteng pulitika at pamamahala sa atin pong minamahal na Inang Bayan. Ito pong kilusan ay higit na malaki at laganap kaysa sa atin dito o sa aming kinabibilangang partido., sapagkat ang kilusang ito ay kilusan ng lahat ng Pilipinong nagnanais ng tunay na pagbabago

Isang malaking karangalan na makasama ko po si Sen. Mar Roxas. Amin pong pangungunahan ang kilusan na ito.

Mga minamahal kong kababayan, isa pong katangi-tangi at malaking karangalan na ipresenta ko po sa inyong lahat ang aking makakatambal bilang bise presidente, si Sen. Mar Roxas.

Click here for Roxas’ acceptance of Aquino’s offer to be his vice presidential runningmate.

By tonyo

Yes, I'm a blogger.

7 thoughts on “Transcript: Noynoy Aquino announces Mar Roxas as his runningmate”
  1. fer cryin out loud….pls think of how things will be if Noynoy becomes the President. we’ll be looked down upon globally, and i dont think it will work out with Noynoy and the masses. Better Villar instead.

  2. Mas mabuti pang si mar roxas nalang ang tumakbo sa pagka presidente kaysa kay noynoy eh. at least, alam mo, si roxas, may nagawa na yan.madami. eh si noynoy? wala! kahit isa, wala! namatay si cory, ayun! nag bida-bidahan! Mabuti pa si manny villar. marami na nagawa. alam ang gagawin na solution sa problema ng ating bansa. MANNY VILLAR PO PARA PRESIDENTE!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.