Satur Ocampo: A self-introduction

Satur Ocampo is now detained but he continues to carry Bayan Muna to the top as the Number One partylist in all surveys.

The brazen persecution by the government cements his reputation and that of Bayan Muna as undisputed champions of the poor and the oppressed, and enemies of the Hello Garci presidency.

As tribute, here’s Ka Satur in his own words, as recorded in a past episode of ABS-CBN’s Pipol program:

Ako si Satur Ocampo, kongresista, aktibista.

Apat na dekada na akong nakikibaka sa lansangan, sa peryodiko, sa bundok, noon, sa Kongreso naman ngayon.

Pero nagsimula ang lahat noong nasa Grade 4 ako.

‘Yung kalaban ko sa scholarship anak ng principal ng elementary school na kakompetensiya ko hanggnag high school. At palagi akong nalalagay sa 2nd honor bagamat ang tingin ko sa grades at extracurricular activities lamang ako [nagkukulang].

At dahil magbubukid lang ang tatay ko at mayaman ang kaklase ko, salutatorian lang ako nagtapos.

Lumuwas ako ng Maynila, bitbit ang pagnanasang maging pantay ang pagkakataon para sa mayaman at mahirap.

Hindi ako naging doktor gaya ng pinangarap ko.

Ako’y naging mamamahayag.

Sumapi ako sa Kabataang Makabayan, nagprotesta laban sa pagtaas ng presyo ng langis at political repression.

Nang magdeklara ng martial law, sumali ako sa underground, itinayo ang National Democratic Front at itinaguyod ang aking pangalawang pamilya.

Payak ang kasal namin ni Bobbie Malay.

“Sa isang maid’s room, dun kami kinasal pagkatapos gaya sa lahat ng bagay sa kilusan ang haba-haba ng discussion.”

Sa underground movement isinilang si Silahis at Antonio, mga bunga ng pagmamahalan at ng aming pinaglalaban.

Pero nahiwalay ako sa kanila nang ako’y arestuhin.

Tiniis ko ang torture.

Ang dinaanan kong torture — electric shock sa katawan, karate, buntal, umpog sa ulo, paso ng sigarilyo sa nipples, sex organ, toenails, ganun.

Pero ang hindi ko matiis, ang pagkawalay ko sa pamilya.

Dahil ako namumuno sa political prisoners, dadalaw ang mga anak ko ‘yan sina Anton. ‘Pag nagdatingan lahat ng pamilya na may problema dumudulog sila sa ‘kin. Naubos time ko habang ang mga anak ko naghihintay, ‘di ko maasikaso. Nagtatampo sila, umiiyak ako pag wala sila.

Pati mga anak ko, nag-rally para sa aking paglaya.

Pero matigas ang ulo ni Marcos kaya sa aking ika-siyam na taon, tumakas ako.

Nung sumunod na national convention ng Press Club binigyan uli ako ng pass, sinamantala ko na. Matapos ako bumoto dun sa election ginamit ko ang service stairs mula 4th floor dun ako lumusot…bumalik ako underground.

Una akong lumitaw nung 1986 peace talks. Pero walang nangyari duon kaya nag-underground ako ulit.

Makalipas ang tatlong taon, arestado kaming mag-asawa.

Taong 1992 na nang mapawalansala kami sa mga kasong murder, kidnapping at illegal possession of firearms.

Taong 1999, itinayo namin ang Bayan Muna.

Una matanda na rin kami at may gustong balikang pamilya at nakita namin na may magagawa sa hayag na kilusan. Sigaw tayo nang sigaw sa labas kung ‘yung gumagawa ng batas sila-sila rin wala ring mangyayari, isang paraan ay pasukin na natin ‘yon.

Sinasabi sa pakikibaka, pinakamataas na uri ‘yung armado kase ‘yun ‘yung pinakamataas na sakripisyo.

Pero kung mahirap sa bundok, mahirap din sa Kongreso.

Kakaibang bakbakan ang meron dito.

Lalahok sa bulok na pulitika, ipapasok ka sa koral ng babuyan, nagisisikap [kami na] maglinis ‘yan ang trabaho

‘Yung pork barrel ginagamit sa rally? Haha! nasagot na namin ‘yan. Wala silang katibayan [na ginagawa namin ‘yan].

Batikos ng iba, nagiging trapo na raw ako, kinakain na ng sistema.

Pero ‘di pa rin ako nababayaran.

‘Di pa rin ako mayaman.

Simple lang ang bahay ko at isa lang ang kotse ko, luma pa.

On a regular basis ako naghahanda ng breakfast, naghuhugas ng pinggan.

Kapag hindi ako nagtatrabaho, ito ang ginagawa ko.

Naglilinis, naglalaba, nag-aayos ng gamit.

Kapag hindi ako aktibista, ako’y isang lolo, isang asawa at isang ama.

Sa Kongreso ang mga dating kalaban, ngayon nakakatabi ko na, kinakausap at kung minsan, ginawang kakampi.

Sa isang panahon sino ‘yung pangunahing umaapi at nagsasamantala sa kapangyarihan? ‘Yan ang labanan mo at patalsikin.

Pero hindi namin kinakalimutan ang ‘di pa nareresolbang usapin ng human rights violations sa panahon ni Marcos, kay Imelda, ganun din ‘yung plunder case laban kay Estrada.

Marami pa rin akong kabiguan.

Sa dami kong panukalang isinampa, kakaunti lang ang naipasa.

Eto ngang impeachment kay Gloria, naharang pa.

Kaya ngayon, balik-lansangan kami.

Pero binibilang namin ang aming maliliit na tagumpay.

Mas marami na ang nagpoprotesta.

Mas marami na rin ang mga botanteng naniniwala sa amin.

At sa Kongreso, may boses na ang masa.

Komunista raw ako.

Oo nga siguro, kung Komunista ang tawag sa mga naghahangad ng pagkakapantay-pantay ng tao, mayaman o mahirap.

Mahaba pa ang pakikibaka.

At baka hindi ko na abutan ang pinapangarap kong Pilipinas.

Pero habang nandito ako, tuloy ang laban sa kahit anong mapang-aping gobyerno.

To him, we say: Mabuhay ka, Ka Satur! Tuloy ang laban!

3 thoughts on “Satur Ocampo: A self-introduction

  1. KATARUNGAN PARA KAY KA SATUR OCAMPO!

    Will be repro’ing the pic to my blog/s and social networking profiles as my way of supporting the fight for Ka Satur!

  2. Yoow tonyo! ayosh to ah! post ko sa friendster bulletin ko tong message ni ka satur para mas marami mainspire! rakenrol!

    jason-CEGP

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *