Kina GMA, JDV at mga pesteng trapo sa Kongreso

Ngayon lang ako gagamit ng Tagalog sa blog. Gusto ko kasi malinaw na masabi kina Gloria Macapagal Arroyo, Jose de Venecia at mga katulad niyang pesteng trapo sa Kongreso ang mensaheng ito:

SANA AY SABAY-SABAY NA KAYONG KUNIN NI KAMATAYAN.

Oo, doon niyo itayo ang Parliament ninyo at gawin niyong reyna si GMA. ‘Yan ay kung papayagan kayo ni Satanas na maghari-harian doon. Pumapangalawa kayo sa kanya sa inyong katarantaduhan.

Pero bago kayo kunin ni Kamatayan, pagbabayarin muna kayo ng taumbayan. Hindi niyo kasi kami malolokong lahat. Pwede niyong lokohin ang sarili niyo, at magbayad ng mag-aastang naniniwala sa inyo, pero mas maraming matitino, may respeto sa sarili at disenteng Pinoy na sukang-suka na sa kabulastugan ninyo.

Hindi kayo magtatagumpay. Ikaw, Gloria, babagsak ka rin. Sa totoo lang, gumawa ka na naman ng maraming kaaway sa pinakawalan mong Con-Ass. Ikw naman, Tenga, tantanan mo na kami. Di ka kailanman magiging Presidente o Prime Minister. Hanggang Kamara ka lang. Ni senador nga, pihadong di ka iboboto ng tao.

Doon sa ibang pesteng trapo, may araw din kayo. Takot na takot kayo siguro sa eleksyon sa 2007 dahil parurusahan kayo ng mga botante. Palalayasin na kasi kayo sa puwesto, kaya heto ngayon at pinapaspasan ang Chacha, sukdulang babuyin ang Konstitusyon sa pagpapatawag ng pekeng Con-Ass.

Kung akala niyo, mabibilog niyo ang tao sa sinasabi ninyong pagbabago dulot ng Chacha, aba eh, manigas at mahiya kayo. Pagbabago niyo mukha niyo. Gusto niyo lang mawala ang term limits niyo, iluklok si GMA forever and ever, at tangkain na gawing prime minister si JDV. Leche ang pagbabagong gusto ninyo! Mga manloloko!

Kung gusto niyo ng pagbabago, sana pinasa niyo na dati pa ang mga bills ng Bayan Muna, Anakpawis at Gabriela: P125 dagdag-sahod samga obrero, P3,000 dagdag-sweldo sa mga government employees, nationalization ng Petron, atbp.

Sa Disyembre 12, humanda ka GMA at JDV. Dadagundong ang protesta sa Batasan. Sa Dec. 15 naman, buong bansa mag-aaklas para sampalin kayo ng ilang milyong ulit, at para mahimasmasan na kayo sa pag-iilusyon ninyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *